We, the faculty of the Department of Political Science of the Ateneo de Manila University, join the Filipino people in expressing their concern and dissent against the passage of House Bill No. 6875, named the Anti-Terrorism Act of 2020.
As faculty, we draw from the Jesuit tradition of faith and justice, character formation, openness, and discernment that provides the foundation of our pedagogical vision. Our students are formed with the goal that they develop institutions of peace and justice, equity and sustainability, and inclusiveness that respect human rights. The Department thus views this bill as an example for our students and our people of how not to craft policy and how not to go about reforming our democratic institutions.
We acknowledge the long-term necessity of re-orienting our human security framework in the Philippines. We nonetheless register our dissent as the bill fails to make such reforms, at the cost of endangering our civil liberties and weakening our democratic institutions that are already in dire need of deepening and reform. The method by which the bill was passed through both chambers of Congress also does not inspire confidence in the capacity of our legislators to institutionalize greater inclusivity and participation in our democratic processes.
We remind everyone that public office is a public trust, and as such, an exclusivist approach to legislation and politics is fundamentally undemocratic. Many concerned sectors and experts have called on our leaders to prioritize mass testing protocols, to ensure that adequate supplies needed to fight the ongoing pandemic are available, and to mobilize the massive resources of our State to aid in the recovery of the most vulnerable and those whose livelihoods are affected by the pandemic. This bill, passed amidst this pandemic, demonstrates a failure to prioritize the common good of our people.
We would caution against a brand of leadership that drives the confidence and impunity of allies in Congress and their partisans in our security forces. We oppose a style of governance that prioritizes fear and ignorant obedience at the expense of solidarity that has led us to this crisis. This creates a political society where needed reforms and changes in our society and democratic processes are slow-going or non-existent. Citizens become disinterested or disaffected towards politics in a society marred by impunity, leading to the greater 2 deterioration of the mechanisms of accountability, transparency, and genuine solidarity in our political institutions.
The bill also endangers our rights as enshrined in our Constitution. Various sections of the bill places at risk of violation the right to due process, right against unreasonable searches and seizures, right against arbitrary detention, and free speech. Respect for human rights is a constitutive element of a functioning political society and a fair justice system. Furthermore, the protections for suspects under this bill, in the form of penalties and damage payments for wrongful arrests, have either been weakened or wholly removed.
The power of the Anti-Terrorism Council to designate persons as terrorists under this bill, combined with the very broad definitions of what constitutes terrorism, does not contribute to our collective mission to deepen the democratic institutions of Philippine society. We echo the concerns raised by the joint statement of the Lasallian East Asia District and the Philippine Province of the Society of Jesus.i The processes outlined in the bill as it currently stands relies on the exercise of a wide discretion of the members of the Anti-Terrorism Council. The lack of transparency in this process does not inspire confidence in the Philippine security infrastructure, already fraught with scandals and problems. In fact, we believe that all this will instead further enable abuse and preferential treatment in the implementation of the law.
The speed that the law was passed by the Senate and the House of Representatives fundamentally belies the deliberativeness that our legislative branch should embody. The Senate and House chose to pass this bill without seriously considering the criticisms raised during its deliberations, especially by members of the opposition. The bill would have reflected its stated intention of reforming the Human Security Act of 2007, if it instead pushed for reforms based on good practices, such as strengthening greater community involvement and transitional justice mechanisms into our security processes.
Our legislators should strive for genuine consultation with peace and security advocates, and other sectors that would be affected by the bill. The fact that the lone Representative from Basilan, a place where the Moro people are ravaged by conflict and terror, voted No to the bill, speaks volumes as to the failure of this bill to take into account the realities of peace and security in our time.ii
Acts of terrorism against a society seek to rip apart the social connections between people that create a vibrant democratic society. Freedom in any society is a living reality that is created and maintained by our capacity and willingness to relate and work with and for one another in concert. This Anti Terrorism bill, with all its issues and the method by which it has been approved by our political leaders, ironically brings about the same terror that it purports to stamp out. We must defend democracy by remaining vigilant against these actions that threaten our capacity to become democratic in our way of life.
As advocates for institutions of peace and justice, equity and sustainability, and inclusiveness that respects human rights, we again state our strong dissent against the undermining of our democracy brought by the proposed AntiTerrorism Act of 2020.
The Faculty of the Department of Political Science Ateneo de Manila University – Loyola Schools
Carmel V. Abao, Ph.D.
Arjan P. Aguirre, M.A.
Benjamin Roberto G. Barretto, M.M.
Pilar Preciousa Pajayon-Berse, Ph.D.
Anne Lan K. Candelaria, Ph.D.
Hansley A. Juliano, M.A.
Antonio Gabriel M. La Viña, J.S.D.
Maria Elissa J. Lao, D.P.A.
Millard O. Lim, M.A.
Diana J. Mendoza, Ph.D.
Jennifer S. Oreta, Ph.D.
Oliver John C. Quintana, M.A.
Ma. Lourdes Veneracion-Rallonza, Ph.D.
Miguel Paolo P. Rivera, M.A.
Alma Maria O. Salvador, Ph.D.
Benjamin A. San Jose, Ph.D.
Ricardo A. Sunga, III, Ll.M.
Javier Rico Israel R. Tionloc, M.A.
Benjamin T. Tolosa, Ph.D.
Gino Antonio P. Trinidad, M.A.
___________________________
i Lasallian East Asia District and the Philippine Province of the Society of Jesus. Joint Statement on the Anti-Terrorism Act of 2020. 05 June 2020. http://ateneo.edu/news/05-june-2020-joint-statement-lead-sjph-anti-terror-bill-2020
ii Rep. Mujiv S. Hataman (Lone District of Basilan). Rep. Mujiv S. Hataman (Basilan Lone District) On Voting Against the Anti-Terrorism Bill. 04 June 2020. https://www.facebook.com/mujivhataman.ph/posts/3435898376434213
Nakikiisa ang Kaguruan ng Kagawaran ng Agham Pampulitka ng Pamantasang Ateneo de Manila sa sambayanang Filipino sa kanilang pagkabahala at pagtutol sa pagpapasa ng House Bill No. 6875 na binansagang Anti-Terrorism Act of 2020.
Bilang kaguruan, bukal ng aming pagtuturo ang Hesuwitang pedagohiya na nakabatay sa tradisyon ng pananampalataya at katarungan, paghubog sa tao, pagiging bukas ng isip, at pagninilay. Humuhubog kami ng mag-aaral na ang hangarin ay makapagsulong ng mga institusyong magtataguyod ng kapayapaan at katarungan, pagkakapantay at pangmatagalang kaunlaran, at nanghihikayat sa pakikilahok ng lahat na may paggalang sa karapatang-pantao. Kaya itinuturing ng aming kagawaran ang panukalang batas na ito bilang isang halimbawa para sa aming mga mag-aaral at sa sambayanan ng baluktot na polisiya at huwad na reporma sa ating mga demokratikong institusyon.
Batid namin na matagal na ang pangangailangang maisaayos ang direksyon ng seguridad pantao sa Filipinas. Ngunit, mariin pa rin naming tinututulan ang pagpasá ng panukalang batas na ito dahil hindi nito natutugunan ang mga nararapat na reporma. Bagkus, inilalagay nito sa peligro ang mga sandigang batas ng ating kalayaan at pinahihina ang mga demokratikong ugnayan na matagal nang gipit sa pagpapalalim at reporma. Nakababahala rin ang paraan ng pagpasá ng batas sa dalawang Kamara ng Kongreso. Nagdududa tuloy kami sa kakayahan ng ating mga mambabatas na magsagawa ng kanilang tungkulin na may pagkiling sa mas malalim na pakikilahok ng sambayanan sa ating mga demokratikong proseso.
Pinapaalala namin sa lahat na ang public office ay public trust at dahil dito, hindi demokratiko ang anumang pamamaraan na binabalewala ang mga hinaing ng ating mamamayan. Maraming sektor at dalubhasa ang nananawagan sa ating mga pinuno na unahin muna ang mass testing at siguraduhin na sapat ang kinakailangang tugon upang sugpuin ang pandemya. Kailangan ding bilisan pa ng ating Pamahalaan ang kanilang pagtugon sa pangangailangan ng mga kapos-palad sa ating lipunan, pati na ang ating mga kababayang nawalan ng hanapbuhay. Isang malaking pagkabigo sakaling unahin ang pagpasá ng batas na ito kaysa sa pagsaalang-alang sa nakabubuti ng nakararami.
Dapat tayong maging mapagmatyag sa isang uri ng pamumuno na nagtutulak sa ating mga Kongresista at sa mga kumikiling sa kanila sa ating mga hukbong panseguridad na balewalain ang hinaing ng taumbayan. Tinututulan namin ang isang uri ng pamamahala na inuuna ang pananakot at bulag na pagsunod sa halip na palalimin ang ating pagkakaisa at kapatiran. Hindi natutuunan ng pansin ang mga nararapat na reporma’t pagbabago sa ating lipunan sa ilalim ng ganitong uri ng pamamahala. Nawawalan ng interes kung hindi man natatakot ang ating mga mamamayan na makilahok sa pulitika sa ating lipunan kung talamak ang kawalan ng parusa para sa mga bantay-salakay ng bayan. Mas lumalalim tuloy ang pagkasira ng mga mekanismo ng pulitikal na pananagutan, bukas at tapat na pamamahala, at tunay na pakikiisa.
Dahil din sa panukalang batas na ito, malalagay sa panganib ang ating mga karapatang pantao na nakasaad sa ating Konstitusyon. Maraming bahagi ng panukalang batas ang maaaring lumabag sa ating karapatan sa kaparaanan ng batas (right to due process), karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam (right against unreasonable searches and seizures), karapatan laban sa paghalughog o pagdakip nang walang dahilan at pagsangguni ng isang hukom (right against arbitrary detention), at sa ating kalayaan sa pananalita at pagpapahayag (free speech). Saligan ng anumang demokratikong lipunan ang paggalang at pangangalaga sa mga karapatang-pantao ng bawat mamamayan. Bukod pa rito, pinahihina o inaalis ng panukalang batas ang ilang mga nakasaad na proteksiyon, tulad ng karampatang parusa at danyos sa maling pag-aresto.
Kung maisabatas, mabibigyang-kapangyarihan din ang Anti-Terrorism Council na bansagang terorista ang sinuman. Nakalakip din sa panukalang batas na ito ang malawak at malabnaw na pagkakahulugan kung ano ang terorismo. Hindi nakatutulong sa pagpapalalim ng ating mga demokratikong institusyon ang mga ganitong panukala. Nakikiisa kami sa naging pahayag ng Lasallian East Asia District at ng Probinsya sa Filipinas ng Kapisanan ni Hesus. Lubos ngang nakasalalay sa diskresyon at huwisyo ng mga miyembro ng Anti-Terrorism Council ang mga prosesong nakasaad sa kasalukuyang panukalang batas. Mahina na nga ang mga mekanismo ng bukas at tapat na pamamahala sa ating lipunan, higit pang mawawalan ng kumpiyansa ang taumbayan sa hukbong panseguridad sa Filipinas gawa ng mga iskandalo at problemang kinakaharap nito. Naniniwala kami na dahil din dito, higit pang dadami ang mga kaso ng pagsasamantala at hindi pantay na pagpapatupad at pagsunod sa batas.
Sinasalamin ng madaliang pagpasá ng panukalang ito ang kakulangan ng pagninilay at pagsisiyasat na inaasahan mula sa bawat Mambabatas. Hindi seryosong pinakinggan ang mga pagbabatikos sa batas na ito habang dinirinig at tinatalakay ito sa Senado at Kamara. Mas natuunan sana ng pansin ang pagbuo sa batas batay sa mga mabuting gawain sa larangan ng seguridad. Kung tunay ngang layon ng ating mga mambabatas na repormahin ang Human Security Act of 2007, maraming ibang paraan upang maisagawa ito. Ilang halimbawa nito ay ang pagpapalakas at pagpapalawig ng pakikilahok ng mga komunidad sa usaping seguridad, gayon din ang pagsulong sa mga prinsipyo ng transitional justice.
Dapat ay sumangguni nang tapat ang ating mga mambabatas sa mga nagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa ating lipunan, at sa iba pang sektor at pamayanan na maaapektuhan ng panukalang batas na ito. Ang pagboto ng NO sa panukalang batas ng Kinatawan ng Distrito ng Basilan – isang lugar na matagal nang pinamamayanihan ng sigalot at takot – ay patunay lamang ng kawalan ng pagpapahalaga ng panukala sa tunay na kapayapaan at seguridad sa ating panahon.
Layon ng terorismo na sirain ang namamayaning ugnayan ng mga mamamayan na nagsusulong ng isang masigla at demokratikong lipunan. Ang kalayaan ng alinmang lipunan ay isang kaganapan na pinapanday ng kakayahan at pagkukusa tungo sa paglilingkod at pakikipagkapwa. Isang kabalintunaan na nagdudulot ng takot at pangamba ang isang panukalang batas na pinangalanang Anti-Terrorism Bill. Huwag tayong matinag sa mga pagtatangkang tulad nito na sirain ang ating kakayahang isaloob at isapuso ang diwa ng demokrasya sa ating araw-araw na pamumuhay.
Bilang mga tagapagtaguyod ng mga institusyon ng kapayapaan at katarungan, pagkakapantay-pantay at pangmatagalang kaunlaran, at pakikilahok na may paggalang sa mga Karapatang Pantao, muli naming inuulit ang aming mariing pagtutol sa tangkang pagwasak sa ating demokrasya bunsod ng panukalang Anti-Terrorism Bill of 2020.
Ang Kaguruan ng Agham Pampulitika ng Pamantasang Ateneo de Manila
Carmel V. Abao, Ph.D.
Arjan P. Aguirre, M.A.
Benjamin Roberto G. Barretto, M.M.
Pilar Preciousa Pajayon-Berse, Ph.D.
Anne Lan K. Candelaria, Ph.D.
Hansley A. Juliano, M.A.
Antonio Gabriel M. La Viña, J.S.D.
Maria Elissa J. Lao, D.P.A.
Millard O. Lim, M.A.
Diana J. Mendoza, Ph.D.
Jennifer S. Oreta, Ph.D.
Oliver John C. Quintana, M.A.
Ma. Lourdes Veneracion-Rallonza, Ph.D.
Miguel Paolo P. Rivera, M.A.
Alma Maria O. Salvador, Ph.D.
Benjamin A. San Jose, Ph.D.
Ricardo A. Sunga, III, Ll.M.
Javier Rico Israel R. Tionloc, M.A.
Benjamin T. Tolosa, Ph.D.
Gino Antonio P. Trinidad, M.A.
___________________________
i Lasallian East Asia District and the Philippine Province of the Society of Jesus. Joint Statement on the Anti-Terrorism Act of 2020. 05 June 2020. http://ateneo.edu/news/05-june-2020-joint-statement-lead-sjph-anti-terror-bill-2020
ii Rep. Mujiv S. Hataman (Lone District of Basilan). Rep. Mujiv S. Hataman (Basilan Lone District) On Voting Against the Anti-Terrorism Bill. 04 June 2020. https://www.facebook.com/mujivhataman.ph/posts/3435898376434213